Ano Ang Dahilan Kung Bakit Namatay Si Kapitan Tiyago Sa Kabanata 29 Ng El Filibusterismo?
Ano ang dahilan kung bakit namatay si Kapitan Tiyago sa Kabanata 29 ng El Filibusterismo?
Answer:
KABANATA 29: MGA HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIYAGO
Dahilan ng Pagkamatay ni Kapitan Tiyago
- Namatay si Kapitan Tiyago sa Kabanatang ito dahil sa kanyang paghithit ng opyo upang makalimutan ang kanyang mga problema, nang dahil dito ang mayamang si Kapitan Tiyago ay inatake sa pusona naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
- Ito ay naganap matapos dakpin si Basiliong mga guwardiya sibil sa kaniyang tahanan at hinalughog ang buong bahay upang makahanap ng mga kasulatang magdidiin dito.
- Isa pang sanhi ng kanyang atake sa puso ay ang mga nakakatakot na salaysay ni Padre Irene. Sa sobrang takot ni Kapitan Tiyago, nanginig ito at hindi na nakapagsalita. Sinubukan niyang bumangon sa kanyang pagkakahiga ngunit hindi na niya kinaya, bumagsak ito na dilat ang mata at bumubula ang bibig.
Buod ng Kabanata 29
Ang lahat ay abala sa gaganaping marangyang libing ni Kapitan Tiyago. Mapupunta ang mga naiwan niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga Pari. Ang dalawampung pisong (P20.00) na natira ay ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-aaral. Hindi malaman noong una kung ano ang damit na isusuot ni Kapitan Tiyago sa kaniyang libing. May nagmungkahi na isang damit-Pransiskano, at mayroong nagsabing isang prak na paborito ng Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene na isang lumang damit na lang ang isusuot dito. May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago bitbit ang kaniyang panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si San Pedro sa langit. Naging marangya ang libing na maraming dasal at awit. Marami ding kamanyan at agua bendita ang inialay sa kabaong. Ang katunggali naman ni Kapitan Tiyago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago at nais na ring mamatay upang mailibing rin nang marangya tulad ng libing ng Kapitan.
Para sa Karagdagang Kaalaman
Mga Tanong at Sagot sa Kabanata 29: brainly.ph/question/1347877
#LearnWithBrainly
Comments
Post a Comment