Bakit Mahalagang Paghahandaan Ang Pag-Aaral Tungo Sa Pagkamit Ng Mga Pangarap At Mithiin Sa Buhay?

Bakit mahalagang paghahandaan ang pag-aaral tungo sa pagkamit ng mga pangarap at mithiin sa buhay?

Mahalagang paghandaan ito dahil nakasalalay dito kung paano mo matatapos ang iyong pag-aaral.Bakit? Syempre,paano kung wala kang pera o wala kang pinagkukunan ng allowance na gagamitin mo sa iyong pag-aaral? Sayang lang at hindi mo din ito matatapos.

Isa pa na dapat mong ihanda ay ang iyong puso,mental at pisikal na lakas.Syempre,hindi naman talaga madali na mag-aral lalo na sa mga tao na hindi likas ang hilig na mag-aral.Pwede ding maubos o masagad ang katawan at isip mo sa sobrang pag-aaral dahil sa dami ng homework.Kaya para mapaghandaan mo ito ng mabuti,pwede mong pag-isipan ang mga sitwasyon na pwedeng mapaharap sayo habang nag-aaral.

Tanungin pa nga ang sari:

May mapagkukunan ba ako ng allowance para sa araw-araw na pagpasok? Paano ang aking mga projects?

Ano ang dapat kong gawin para mabalanse ko ang aking panahon nang sa ganun ay hindi ako magkasakit?

Paano ko parin pakikitunguhan ang iba kahit sobrang abala ako?

Paano ko parin matutulungan sa gawaing bahay ang mga magulang ko kahit sobrang abala ko?

Paano kung makaranas ako ng pambubully habang ako ay nag-aaral? Susuko na ba agad ako?

Maliwanag,mahalagang paghandaan ang pag-aaral para magawa mo ito ng maayos nang hindi nasasagad ang iyong pisikal at mental.Ganun sin,dapat may sapat na mapagkukunan ng panustos sa pag-aaral para matapos ito.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Ugaling Mailalarawan Kay Pecson

Ano Ang Ibig-Sabihin Ng Pag-Aalsa.

What Geologic Event Is Most Likely To Happen At The Given Type Of Plate Boundary In Number 4?A. Earthquake B. Mountain Formation C. Rift Valley Format