Simbolismo Ng Kabanata 32 Ng Noli Me Tangere At Ang Paliwanag Nito
Simbolismo ng kabanata 32 ng noli me tangere at ang paliwanag nito
Noli Me Tangere
Kabanata 32: Ang Panghugos
Simbolismo:
Ang pamagat ng kabanatang ito ay isa sa mga simbolismo sa kabanatang ito. Ang panghugos na ginagamit sa pagbaba ng mga malalaking bato o biga na nagsisilbing haligi ng isang gusali. Ang makinang ito ay ginagamit upang mapadali ang pag akyat at pagbaba ng mga malalaking bato. Ang gamit nito sa kabanatang ito ay hindi upang pagtibayin ang pundasyon ng gusaling itatayo kundi upang kitilin ang ang buhay ni Ibarra ngunit sa kasawiang palad hindi siya ang nabagsakan ng biga kundi ang mismong tao na nagpapatakbo ng makinang ito.
Ang boluntaryong pagpapatakbo ng panghugos ng taong madilaw ay isa ring simbolismo. Ito ay tumutukoy sa pagiging instrumento upang isagawa ang maitim na balak sa buhay ni Ibarra. Nangangahulugan lamang na siya ay kusang pumayag na maging daan para mamatay si Ibarra. Ang mga kilos ni Padre Salvi sa araw na iyon ay tila meron ding nais ipahiwatig. Ang pagbibihis niya ng damit na pang okasyon ay senyales ng kanyang pagdiriwang para sa gagawing pagpatay kay Ibarra. Hindi pa man nagaganap ang nais niyang mangyari ay nagdiriwang na siya kaya naman kinakitaan siya ng pagkadismaya ng ang itinanghal na patay ang taong madilaw imbes na si Crisostomo Ibarra.
Comments
Post a Comment