Sino Sino Ang Tinapunan Ni Padre Damaso Ng Nanlilibak Na Tingin Bago Siya Mag Sermon

Sino sino ang tinapunan ni padre damaso ng nanlilibak na tingin bago siya mag sermon

Noli Me Tangere

Kabanata 30: Sa Simbahan

Kabanata 31: Ang Sermon

Sa mga kabanatang ito kapansin pansin na bago magbigay ng kanyang sermon ay isang tingin na puno ng panlilibak ang inialay ni Padre Damaso sa kanyang kapwa pari na si Padre Martin. Ito ay upang ipabatid sa naturang pari na siya ay hindi hamak na mas magaling sa pagbibigay ng sermon kumpara sa kanya. Ang tingin na iyon ay may halong pagmamayabang sapagkat batid ng lahat na siya ang unang kura sa bayan ng San Diego na nakilala kaya naman ang lahat ay alam niya ukol dito. Bukod kay Padre Martin ay binigyan din niya ng mapanlibak na tingin ang alperes sapagkat nakita niya na bahagyang kumunot ang noo nito matapos niyang banggitin ang mga itinuturing niyang gwardya sibil ng langit.

Tinapunan din niya ng tingin ang isang negosyanteng tila pinariringgan niya ukol sa patente kaya naman tumindig ang lalaking iyon at ikinubli ang sarili sa kumpisalan. Ang pinakahuli at pinaka matalim na tingin ay ibinigay niya kay Ibarra na tinutukoy niya na mestisong binata na hambog, salbahe, pilosopo, at mapagmataas. Batid ni Ibarra na siya ang pinasasaringan ng kura sa bahaging iyon ng kanyang sermon ngunit nanatiling kalmado ang binata hanggang sa siya ay makausap ni elias.

Read more on

brainly.ph/question/291285

brainly.ph/question/2132161

brainly.ph/question/1394796


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Ugaling Mailalarawan Kay Pecson

Ano Ang Ibig-Sabihin Ng Pag-Aalsa.

What Geologic Event Is Most Likely To Happen At The Given Type Of Plate Boundary In Number 4?A. Earthquake B. Mountain Formation C. Rift Valley Format